408: Bara-Bara - Mula't Sapul w/ Marshall BonifacioTRACK

Sound

408: Bara-Bara - Mula't Sapul w/ Marshall Bonifacio

2:11:46 duration0 plays0 favoritesMedium quality
Cover
Play now

About this track

Sa episode na ito ng Bara-Bara, nakasama natin si Marshall Bonifacio— isa sa mga pinakarespetadong emcees ng liga, kilala sa teknikal niyang sulat, strategic angles, at mga labang madalas mapasama sa usaping classic o battle of the night.Napag-usapan namin ang kanyang buhay at paglalakbay— mula sa paglaki sa Mindanao, pagtatrabaho sa Cebu, hanggang sa paninirahan ngayon sa Luzon— at kung paano hinubog ng iba’t ibang lugar, kultura, at karanasan ang kanyang pananaw bilang artist at bilang tao.Nagkuwentuhan din kami tungkol sa pagpasok niya sa hip hop at battle rap, mga impluwensya mula sa local at international scenes, at ang madalas na usapin tungkol sa pagiging “foreign influenced.” Tinalakay rin namin ang pagkakaiba ng international at local battle rap, kung saan tayo lamang, at kung ano ang natatanging ambag ng FlipTop sa sining, kultura, at lipunang Pilipino.Napunta rin ang usapan sa ilan sa kanyang mga pinaka-memorable na laban, sa creative process at pagsusulat, hanggang sa experience at thought process nya bilang madalas na napipiling judge.Umabot din kami sa usaping originality, confidence, paninindigan, at kung paano manatiling totoo sa sarili sa isang eksenang laging nagbabago.Classic sh*t ito. Solid ka, Marshall Bonifacio.Listen up, yo.

From the album

The Linya-Linya Show album coverThe Linya-Linya Show25 tracks · Track 22

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this...

→

More By Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network...

You may also like